Tuesday, May 1, 2007

SK PAMAMAALAM...


May 5, 2007

12:10 AM

Sa lahat ng aming mga Kapamilya:


Nang una naming umpisahan itong site na ito, noong February 25, 2007, hindi namin inakala na magiging ganito kalaki at karami ang bibisita sa site namin. Nagumpisa kami bilang isang simpleng PBB fansite, featuring the latest news, housemates and happenings sa bahay ni Kuya. Nang sa kalaunan ay nagdagdag kami ng primetime videos at mga exclusive videos mula sa aming mga kaibigan sa YouTube.


At ngayon sa aming pamamaalam, kahit na mahirap sa aming mga kalooban na kayo'y iwan, ay kailangan naming gawin. Dahil sa mga personal na rason na aming kailangang gawin. Tumataba ang aming mga puso kapag naririnig namin ang inyong pasasalamat. Napapawi nito ang pagod at puyat na aming binubuhos para i-maintain ang site. Masaya kaming gawin ito, dahil alam naming nakakatulong kami sa aming kapwa PBB Fanatics na masubaybayan ang paborito naming show, lalong - lalo na sa mga Pinoys Abroad.


Nais po naming magpasalamat, mula sa aming mga puso sa inyong suporta at pagtangkilik. Maraming Salamat talaga!


Ang aming pamamaalam ay panandalian lamang, kami rin ay magbabalik at itutuloy ang aming mahal na gawin. Ang last post of videos po ay sa May 7, 2007, kung saan ang Primetime Videos ng 05/06 ang nakaupload. Inaasahan po namin na sa aming pagbabalik ay kayo ay nandiyan pa rin at susuporta!


Mula sa amin na bumubuo ng SK-PBB site, Paalam! Maraming Salamat! Hanggang sa muli! 060107!


~SK Admin

No comments: