Monday, May 7, 2007

Toni Gonzaga naaksidente sa syuting ng commercial


NAAKSIDENTE pala si Toni Gonzaga sa shooting ng isang commercial kaya hindi siya makapag-host ng Pinoy Big Brother.

Ang sinabing dahilan noon ni Bianca Gonzales nang magsimula siyang mag-take over as host ng reality show ay meron daw special task si Toni kaya hindi ito makakapag-host ng PBB. Pero hindi pala ‘yon totoo.

Lately lang namin nalaman na naaksidente pala ang actress/TV host sa syuting ng commercial.

Ayon sa kuwento, napasubsob daw ang bibig ni Toni sa lupa at pumutok ang labi nito, dahilan para matigil ang shooting at dalhin siya kaagad sa Makati Med.

To the rescue naman kaagad si Sam Milby dahil pagkauwing-pagkauwi ni Toni from Makati Med ay dinalaw agad ito ng binata.

Ayon kay Sam, okey na ang kalagayan ngayon ni Toni. Wala na raw dapat ipag-alala ang kanyang fans.

_____________________________
Ang Latest: Toni is doing fine, she needed sutures para sa cut ng lip niya, but because this may cause a scar sa pretty face ni Toni, doctors used a SKIN ADHESIVE, thanks to technology! Toni, would be returning to her regular hosting gigs this week. She might be on PBB tonight! Abangan nalang!

1 comment:

Anonymous said...

toni gee super worry me ceo bout sa nangyari ceo...........muntik na nga kame mapasugod sa hauzzzzzzzzz nio ehh with matching ice cream pa kameng dala...........hehehehehehe.......basta take care alwayssssssss and i olways pray 4 youi.........im olways be you super fan..........