Sunday, April 8, 2007

Say Alonzo warns PBB evictee Zeke Dimaguila


Inamin ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Say Alonzo na nasaktan siya nang labis sa binitiwang pahayag ng PBB Season 2's latest evictee na si Ezekiel Joshua "Zeke" Dimaguila na hindi ito nagagandahan sa kanya.

Ayon kay Say (Sherylle Anne Alonzo Yutadco in real life), "He should be thankful because I'm not in Manila right now. He'll just have to wait because I'm also frank and I haven't done anything bad against him," sabi ni Say na nasa out-of-town nang lumabas ang isyu sa kanila ni Zeke.

Ang ikinaloka nga ni Say ay hindi lang isang beses kung hindi paulit-ulit na sinabi ng Australian hottie sa iba't ibang programa ng ABS-CBN that he does not think she's pretty. Bagama't nag-apologize din naman si Zeke nang kapanayamin ng The Buzz last April 1, pero pinanindigan pa rin nito ang comment na hindi maganda si Say.

Matatandaan na si Say ang huling na-evict sa first batch ng PBB housemates. Huli siyang napanood sa fantaserye ng ABS-CBN na Super Inggo.

Samantalang si Zeke na umani ng pagbatikos dahil sa ugali niyang walang pakialam at pagiging ungentleman sa mga babaeng housemates ay na-evict matapos makatanggap ng pinakamababang text votes na umabot lang sa 15.67%.

Si Zeke ay naging kontrobersyal din dahil sa "sunblock incident" kung saan ipinasok ng kasamang housemate na si Dionne ang kamay nito sa loob ng boxer shorts ni Zeke habang pinapahiran siya ng sunblock. Balita nga na hindi nagustuhan ng viewers at maging ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang nasabing eksena kaya agad humingi ng paumahin ang PBB Season 2 host na si Toni Gonzaga sa mga kinauukulan.

Samantala, ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa paghaharap nina Say at Zeke kung saan inaasahang tatarayan ng 23-year-old ang kontrobersyal na bagong PBB evictee.

3 comments:

mcordon83 said...

Zeke, I'm glad you got evicted early! wala ka kasing MODO!

You're not being frank. They way you talk, ooohhhh..... from the gutter!

Zeke's a sprongklong!

CSanchez said...

Sa paulit ulit mo... paulit ulit ding sinabi sa iyo Mr. Boy Abunda Say does not need to prove herself to you! At sino ka nga ba?

Sa bagay mga katulad mo iba ang type!

Anonymous said...

hay naku zeke ahh get a life na nga.. say dont have to prove anything from you...